Ito ang inihayag kahapon ni Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP) Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla habang patuloy ang pagsusumikap ng tropa ng gobyerno na malipol ang nalalabi pang puwersa ng naturang mga terorista na nagsagawa nang paglusob sa lungsod.
Ayon sa Balitang Ahensiya ng Ahlul-Bayt (ABNA24) - Nabawi na umano ng tropa ng pamahalaan ang siyamnapung porsiyento ng lugar (90%) sa siyudad ng Marawi, Lanao del Sur ng nagsanib puwersang mga teroristang Maute-Islamic State of Iraq and Syria (Maute –ISIS) at bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) sa ikasiyam na araw ng krisis sa lungsod.
Ito ang inihayag kahapon ni Sandatahang Lakas ng Pilipinas (AFP) Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla habang patuloy ang pagsusumikap ng tropa ng gobyerno na malipol ang nalalabi pang puwersa ng naturang mga terorista na nagsagawa nang paglusob sa lungsod.
“Ang huling ulat na nakuha natin batay sa ating mga tauhan diyan, 90 percent na ng siyudad ay na-clear na nila nang maayos pero may natitira pang 10 porsyento ng lungsod ay hindi pa ganap,” wika pa ni Gen. Padilla.
Magugunita na kamakalawa ay nagpalabas ng ultimatum na ‘surrender or die’ ang AFP laban sa mga teroristang Maute-ISIS at Abu Sayyaf Group sa lungsod.
Bukod sa mga lokal na terorista ay tinatayang nasa 40 dayuhang teroristang jihadists ang napaulat na sumasabak din sa bakbakan sa Marawi City pero ayon sa mga opisyal ng militar ay inaalam pa nila ang eksaktong bilang ng mga ito.
Nabatid na matindi ang pagpalag ng nagsanib puwersang grupo ng mga te¬rorista na isang indikasyon na prinoprotektahan at itinatago ng mga ito ang lider ng Grupong Abu Sayyaf na si Komander Isnilon Hapilon na may patong sa ulo na $5 M gantimpala mula sa pamahalaan ng Estados Unidos na siyang nagplaplano na magtayo ng grupong ISIS na ang base ay sa nasabing lalawigan.
Sa kasalukuyan, bantay sarado na ang entry at exit points sa buong Marawi City upang mapigilan ang posibleng reinforcement sa nasabing grupo ng iba pang mga teroristang grupo tulad ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Nabatid na ang pagdami ng puwersa ng nasabing teroristang grupo ay matapos ng mga itong pakawalan sng Marawi City jail ang mga nakapiit nilang mga kasamahan matapos na suma¬lakay sa lungsod noong Mayo 23.
1 Hunyo 2017 - 22:24
News ID: 833616